Finance

Bakit Takbuhan ng mga Momshies ang Cebuana?

Simple lang, kasi Mother knows best.

Pag proven ng mga mommies na maganda ang serbisyo binabalik-balikan ‘yan at isini-share sa mga kaibigan, kumare at kamag-anak.

Actually, nalaman ko ang tungkol sa pagsa-sangla mula sa aking lola at mama. Nuong una, hindi ko pa naiintindihan kung bakit isinasanla pa nila ang kanilang alahas kung pwede namang mangutang sa kamag-anak.

Until I became a mother at ma-experience manghiram sa kamag-anak. Ayun, nu’ng hindi nadaan sa pakiusap ang na-delay na bayaran, fiesta na ang pangyayari sa iba pa naming kamag-anak at pati nga sa kapitbahay. Kaya naintindihan ko na sina lola at mama at kaya naman iningatan ko rin ang mga pamana nilang mga alahas.

Nito lang nakaraang linggo, akala ko naayos kong mabuti ang budget kasi long holiday, pero prior to that biglang nagkaroon pa ng bagyo kaya mas malaki ang gastos dahil yung tanim na mais namin sa probinsiya ng Isabela napinsala. Nabawasan pa ang pera ko and worst, nagalaw pati ang pang-tuition ng anak ko.

Isa lang ang nasa isip ko na pinakamabilis na paraan para magka-pera, ang magsangla ng alahas. Mabuti na lang maraming pawnshop na malapit sa aming bahay, pero sa tatlong pinuntahan ko, isa lang ang binalikan ko – Cebuana Lhuillier.

Siyempre, gusto ko na du’n sa makakasulit ako at hindi pa mapeperwisyo ang mga alahas ko.

4 Reasons why I Sangla sa Cebuana

  • MATAAS ANG APPRAISAL – ito ang una kong napansin, kumpara sa dalawang pawnshop na napagtanungan ko, mas malaki ang balor ng alahas ko sa Cebuana. Yung isang sanglaan kasi hindi marunong magkilatis ng bato sa alahas at ginto lang daw ang ina-appraise nila kaya mababa ang sanla. Yung isa naman, mas mababa ng P1,500 ang sangla kumpara sa Cebuana, kaya sa’n ka pa? 
  •  MABABA ANG INTEREST – sa 4% monthly interest hindi na mabigat yun, wala pang hidden charges sa Cebuana.
  • ALAGA AT LIGTAS ANG ALAHAS – selyado at pirmado mo ang pinaglagyan ng alahas mo. Secured din ang vault nila, may CCTV ang premises at mayroon ding security guard.
  • MALAKI ang TAKEHOME – kasi nga MATAAS ANG APPRAISAL kaya hindi ka lugi. Halos malapit na sa balor ng alahas mo ang makukuha mong halaga ng sanla mo.

 

 

ALAM N’YO BA na pwedeng magbayad ng interes ng iyong sangla sa ibang branch ng Cebuana? Tama! Kaya no hassle mga mommies na nagta-trabaho o sa mga umuwi ng probinsiya para magbakasyon. Kung hindi ka aabot sa store hour ng Cebuana branch na pinagsanlaan mo ng alahas, pwede ka namang magbayad ng interes sa branch na malapit sa opisina mo. Convenient, di ba?

Aba, eh, mahigit sa 2,500 ang sangay ng Cebuana at may 4,000 plus pa silang partners kaya saan ka pa? Ako, sa Cebuana!

Kaya sa mga momshies na kakilala ko na kinakapos ding tulad ko minsan sa pagba-budget, isa lang ang ipinapayo ko – i-Cebuana mo na ‘yan!

 

More from Finance

Are You Ready to Start Adulting for Real?

For a generation largely thought of as entitled and unprepared for the real world, Millennials, currently aged 22-36, are doing better financially than people give them credit for. As young professionals, entrepreneurs, creatives, artists, freelancers, among many, many others, living … read more

Need Money? Download Cashalo App

Last Techie Tuesday, a new and reliable Filipino technology and financial service company was officially introduced to the public. CASHALO delivers access to affordable and secure credit for millions of underbanked consumers and micro small medium enterprises in the Philippines … read more

RCBC SAVEcation Raffle Promo

Travel without hassle with RCBC SaveCation Raffle Promo Lucky RCBC depositors may win a trip to one of 25 destinations from 21 different countries in 6 continents. Prize includes a trip for 2 including roundtrip tickets, accommodations, and tour packages. … read more