LGUs to Distribute Social Amelioration Card

The government just announced about the social amelioration package to aid 18-M low income households as the country is battling the crisis against coronavirus disease or COVID-19.

Many Filipino families are awaiting assistance from the national government. In line with President Duterte’s announcement of P200-B aid for different sectors of the society, especially the most vulnerable ones, DSWD has launched an infomercial about the distribution of social amelioration card.

From what I understand, it is the local government that will distribute the SAC forms, so people don’t have to leave their homes, I repeat, HINDI N’YO NA KAILANGAN UMALIS NG BAHAY. Ang mga tauhan ng LGU na mismo ang tutungo sa inyong bahay para mamigay ng form.

When you received the SAC form, ito ang mga dapat gawin.

  • Ang puno ng pamilya ang magsusulat ng kanilang impormasyon na hinihingi sa SAC form. Kailangang ibigay ang kumpletong impormasyon sa dokumento.
Photo from DSWD
  • Siguraduhin na kumpleto ang impormasyon na inilagay sa form at mayroon itong lagda ninyo. Isumite ang form sa tauhan ng LGU.
  • Tandaan, dalawa ang form na inyong lalagyan ng impormasyon. Ang isang form ay ibibigay sa tauhan ng lokal na pamahalaan habang ang isang form naman ay maiiwan sa inyo.
Photo from DSWD
  • Ipapahatid ng DSWD at iba pang ahensiya ng gobyerno ang tulong sa pamamagitan ng mga LGU o lokal na pamahalaan.

Dapat unawain na ipamamahagi ang social amelioration package nang naaayon sa lebel ng pangangailangan. Ibig sabihin mauunang mabibigyan ng tulong ang mas nangangailangan.